Martes, Enero 21, 2014

Banaba (dahon)


Ang Banaba ay isang halaman gamot nakakatulong ito sa altapresyon,sakit sa bato at patuloy na pagdurugo.

Pamamaraan:


  • Ilaga ang dahon nito, inumin ang sabaw tulad ng tsaa ng 3 bebes sa isang araw.

Miyerkules, Enero 15, 2014

Oregano


Ang Oregano ay isang halamang gamot.Makikita ito kung saan-saan,pwede sa inyong likod bahay.Madali tong palakihin.Mainam ito sa may mga ubo at hika.Ang katas nito ang ipinapainom sa may mga ganitong uri ng sakit.


Pamamaraan:

Hugasan muna ng mabuti ang mga dahon nito at pakuluan ang isang tasang tinadtad na sariwang dahon ng oregano sa tatlong tasang tubig sa loob ng 15 minuto.


  • 1 taong gulang-1 kutsarita,3 beses sa isang araw
  • 2-6 na taong gulang-2 kutsara,3 beses sa isang araw
  • 7-12 na taong gulang-1/4 tasa,3 beses sa isang araw.
  • sa matanda-1/2 tasa,3 beses sa isang araw.





Aloe Vera


Ang Aloe Vera o Sabila ay isang halamang medisinal.Ang halamang ito ay malambot at may katas itong malagkit.Tumutulong ang halamang ito sa pagpaptubo muli ng buhok o nalulugas na buhok.

Pamamaraan :


  • Kumuha ng dahon nito.Putulin at ipunas sa anit ang katas, 1 oras o higit pa bago maligo.Gawin ito araw-araw.

Pandan (puno at ugat)


Ang Pandan ay isang medisinal na puno.Ang ugat at puno nito ay nakakatulong upang maibsan ang sakit na nararamdaman tulad ng katas nito sa rayuma at sakit ng ulo.Nakalilinis din ito ng dugo at pampagandang daloy ng dugo ang pandan.

Pamamaraan:


  • Hiwaing maliliit ang puno ng pandan kasama ang ugat lagyan ng konting langis at isalang sa mahinang apoy hanggang kumulo.
  • Ahunin at bayaang lumamig at gawing panghaplos sa rayuma.

Dahon ng Bayabas


Ang Bayabas ay isang medisinal na halaman.Nakatutulong ito sa pagibsan ng sakit ng tiyan.Ang murang dahon nito ay panglanggas sa mga bagong tuli na karaniwang gingawa sa probinsiya.Inilalagay din ito sa sugat o singaw.

Pamamaraan:

  • Maglaga ng 1 tasang tinadtad na sariwag dahon sa 2 basong tubig sa loob ng 10 minuto.Lagyan ng kaunting asin.
  • Gamiting pangmumog pagkatapos kumain.